Pumunta sa nilalaman

Abenida ng United Nations

Mga koordinado: 14°34′56″N 120°59′5″E / 14.58222°N 120.98472°E / 14.58222; 120.98472
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Abenida ng United Nations
United Nations Avenue
U.N. Avenue
Impormasyon sa ruta
Haba1.9 km (1.2 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N156 (Karugtong ng Abenida Quirino) at Kalye Paz Mendoza Guazon sa Pandacan
 
Dulo sa kanluran N120 (Bulebar Roxas) sa Ermita
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida ng United Nations (Ingles: United Nations Avenue, at karaniwang tinatawag na U.N. Avenue at maaring isalin nang literal sa Tagalog bilang Abenida ng mga Nagkakaisang Bansa) ay isang pangunahing lansangan sa Maynila, Pilipinas, na nagdurugtong sa Ermita at ang mga distrito sa silangan ng lungsod, tulad ng Pandacan at Paco. Nagsisimula ito sa sangandaan (fork) ng karugtong ng Abenida Quirino at Kalye Paz Mendoza Guanzon sa may kanluran ng Pandacan. Tutuloy ito sa mga pook ng Tanque at Isla de Provisor sa hilagang Paco habang dinaraanan nito ang ilang hanay ng mga bodega at iilang gusaling institusyonal. Sa kanluran ng Abenida Taft, dadaan ito sa maabalang distrito ng Ermita na may mga otel, gusali pang-opisina, at ospital. Nagwawakas ito sa Bulebar Roxas. Ang kabuuang haba nito ay 1.9 kilometro (1.2 milya).

Isang pangunahing daang arteryal na pang-komersiyal, pantahanan, at pang-industriya ang abenidang ito. Matatagpuan rito ang himpilan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) sa Kanlurang Pasipiko. Ilan pa sa mga kilalang pook na matatagpuan rito ay ang tanggapan ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (o NBI, sa sangandaan nito sa Abenida Taft), punong-tanggapan ng Manila Police District, bahay-ampunan ng Asilo de San Vicente de Paul, pampublikong kompanya ng Unilever Philippines, Inc., at Waterfront Manila Pavilion Hotel.

Itinakda ang Abenida United Nations bilang isang pambansang daang sekundarya ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang N156 (o Pambansang Ruta Blg. 156).

Ang Abenida ng United Nations ay dating tinawag na Kalye Isaac Peral (Kastila: Calle Isaac Peral, Ingles: Isaac Peral Street), mula kay Isaac Peral, Kastilang inhinyero na nagdisenyo ng kauna-unahang submarinong pang-militar na fully-capable sa mundo noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.[1] Binigyan ito ng bagong pangalan bilang pagkilala sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (isang ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa) na ang gusali nito'y itinayo noong 1959 sa dating ari-arian ng Unibersidad ng Pilipinas sa timog-kanlurang kanto nito sa Abenida Taft.[2]

Ang abenida ay lugar din ng kauna-unahang Otel ng Hilton sa Pilipinas na binuksan noong 1960.[3] Kilala na ngayon bilang Waterfront Manila Pavilion ang otel na ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Old Manila streets lose names to politicians". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hulyo 2010. Nakuha noong 27 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Report of the Regional Director to the Regional Committee for the Western Pacific" (PDF). World Health Organization. Nakuha noong 27 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Manila Hilton of memory". The Philippine Star. Nakuha noong 27 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°34′56″N 120°59′5″E / 14.58222°N 120.98472°E / 14.58222; 120.98472